Muling pinalawig sa ikatlong pagkakataon ang pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas, ang deadline para sa distribution ng unang tranche ay extended hanggang May 13.
Ang mga LGU na hindi naabot ang May 10 deadline ay binibigyan muli ng hanggang bukas para tapusin na distribution.
Kapag nakumpleto na nila ang SAP distribution ay maaari na nilang gawin ang liquidation.
Sinabi ni Tomas na ang listahan ng mga “left-out” o yung mga hindi nakasama sa listahan ng sap beneficiaries ay kasalukuyang ina-assess ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng economic managers.
Ang pangalan ng mga “left-out” ay isinasailalim sa cross matching at validation.
Samantala, sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na inaasahang maglalabas na ang Malacañang ng executive order ngayong linggo na magsisilbing basehan at panuntunan sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng SAP.