Pamamahagi ng Cash Allowance sa mga BRO-Ed Scholars, Patuloy!

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng cash allowance sa 16,000 na college students na iskolar ng Bojie-Rodito Opportunities for Education (BRO-Ed).

Kahapon ay personal na iniabot ni Gov.Rodito Albano III, Vice Gov.Bojie Dy III kasama ang iba pang mga alkalde at opisyal ang pamamahagi ng cash allowances sa 108 estudyante sa bayan ng San Guillermo, 228 sa Angadanan at 350 naman sa bayan ng Alicia, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Gov.Albano, layon ng kanilang programa na makatulong sa pagbibigay ng allowance sa mga mag-aaral upang maibsan ang hirap ng mga nagpapa-aral na magulang.


Ayon naman kay Isabela Vice Gov. Dy, nais lamang din nila na may makapagtapos sa pag-aaral lalo na sa mga anak ng mga marginalized farmers sa Lalawigan.

Samantala, nakatakda naman ngayong araw na magtutungo ang grupo ng BRO-Ed sa bayan ng San Mateo, Ramon, at sa Lungsod ng Cauayan upang ipamahagi rin ang cash allowances ng mga College students na kabilang sa nasabing scholarship program.

Facebook Comments