Sisimulan na ng pamahalaan ang kanilang supplemental feeding program para sa mga batang kulang sa nutrisyon kasabay ng pagsismula ng klase.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang nasabing programa para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade-6 habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang bahala sa mga mas batang kulang din sa nutrisyon.
Aniya, mismong ang mga tanggapan ng pamahalaan ang magbabahay-bahay para ipadala ang mga masusustansiyang pagkain para sa mga bata lalo na’t hindi naman ipinatutupad ang face-to-face classes.
Iginiit pa ni Nograles na siyang Chairman ng Zero Hunger Task Force, ang Department of Science and Technology (DOST) na ang bahala sa mga mag-asikaso sa mga food packs na kinabibilangan ng nutribun, fresh milk, micronutrient packs, iron-fortified rice at iba pa.
Tutulong naman sa pamamahagi ng mga food packs ang ilang mga social workers, barangay volunteers at iba pang grupo sa mga komunidad.