Pamamahagi ng Food Packs sa mga Pamilyang Apektado ng Pagbaha, Pumalo na sa higit 54,000

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 54,186 family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 na tinatayang nagkakahalaga ng P25,886,934.44 para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa buong lambak ng Cagayan.

Ayon kay Disaster Division Information Officer Diana Vanessa Nolasco, tuloy pa rin ang pamamahagi ng mga tulong sa mga residente ngayong humuhupa na ang tubig baha sa mga apektadong lugar.

Nagkaloob na rin aniya ng burial assistance na halagang P10,000 sa mga pamilyang nasawi sa kalamidad.


Namigay din ang ahensya ng mga non-food items tulad ng kumot, family tent, mosquito net at hygiene kits.
Samantala, nagdala at namahagi ang DSWD FO2 ng 1,000 FFPs sa barangay Agugaddan, Peñablanca at 594 FFPs sa Alfonso Castañeda Nueva Vizcaya.

Facebook Comments