Nananawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda.
Madaming mangingisda na kasi ang ayaw pumalaot dahil sa mataas na presyo ng langis.
Ayon sa PAMALAKAYA, 80% ng gastusin ng mga mangingisda ay napupunta lamang sa produktong petrolyo.
Matagal na ring umaaray ang mga mangingisda dahil sa epekto ng tumataas na presyo ng langis at sa hirap ng kabuhayan nito.
Naniniwala rin ang PAMALAKAYA, na bukod sa pagpapabilis ng fuel subsidy ay dapat din itong dagdagan upang makabangon ang mga mangingisda sa epekto ng sunod-sunod na oil-price hike.
Matatandaang ini-ulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) na bumaba ang prduksyon ng isda sa unang quarter ng taon.