Cauayan City, Isabela- Personal na ipinamahagi ni Isabela Governor Rodito Albano ang I-RISE Financial Assistance sa bayan ng Aurora at San Manuel sa Lalawigan.
Ang mga benepisyaryo ng I-RISE ay nakatanggap ng tulong pinansyal at bigas samantalang nakatanggp naman ng LPG tank ang mga piling carinderia owners mula kay LPGMA Partylist representative Atty. Allan Ty.
Ayon sa pahayag ng Gobernador, hinihimok nito ang lahat ng mga vendors sa Lalawigan na magpalista para ma-validate at maaprubahan ng DOLE at maisama sa susunod na pamimigay ng ayuda sa mga susunod na buwan.
Sa ngayon ay kakaunti pa lamang aniya ang bilang ng mga nabigyan ng tulong kaya’t humihingi rin ito ng kooperasyon na hanapin at ilista ang mga kakilala na karapat-dapat na mabigyan ng tulong lalo na yung mga nagluluto na nakatricycle o pedicab.
Ang sinumang vendor na kwalipikado sa programa ay mabibigyan ng GoKart Negosyo na nagkakahalaga ng P30,000.00 at cash mula kay DOLE Sec. Silvestre Bello.
Nagpasalamat naman sina Aurora Mayor Joseph Uy at San Manuel Mayor Faustino “King” Dy sa mga tulong na ibinigay sa kanilang mga kababayan.