Pamamahagi ng SAP cash assistance sa Quezon City, aabot na sa 92%

Nasa 92% na ang naipapalabas na cash assistance ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa ilalim ng Social Amelioration Fund.

Ayon kay Social Services Department Chief Fe Macale, kung tuluy-tuloy ang pamamahagi  mula ngayong araw at bukas ay malamang na makumpleto na nila ang distribusyon ng cash assistance.

Sinabi pa ni Macale na dumarami rin ang nagsasauli ng cash assistance dahil marami ang nakatanggap na ng ayuda sa SSS.


Sa ngayon ay nasa 7,854 ang natukoy ng QC-LGU na nabigyan ng ayudang pinansyal.

Facebook Comments