Samar – Patay ang isang lalaking matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar.
Sa ulat, galing sa isang party ang biktimang si Charlie Francisco nang walang awa itong pagbabarilin ng mga suspek.
Tadtad ng bala ang biktima na nagresulta ng agarang pagkamatay nito.
Ipinagtataka naman ng mga imbestigador at ng mga pulis kung bakit walang nakuhang ebidensiya sa lugar na pinangyarihan partikular ang mga basyo ng bala.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.
Facebook Comments