PATAY | Isang miyembro ng CAFGU, sawi sa pamamaril

Camarines Sur – Patay matapos pagbabarilin ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGU) habang nasa sa kanilang detachment base sa Barangay Bicalen, Presentacion, Camarines Sur.

Nagsasampay ng kanyang mga damit sa loob ng detachment ang biktimang si Caa Jharel Padayao nang bigla na lamang itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

May tama ng bala sa ulo ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito.


Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga kasamahan nito at nang Philippine Army para malaman kung sino ang suspek sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments