Basilan – Sugatan ang misis ng isang barangay chairman sa Basilan matapos barilin ng hindi nakilalang salarin.
Nakilala ang biktima na si Hamida Nangkil, 45-anyos na binaril sa may Purok 4, Barangay Menzi sa Isabela City.
Nakaangkas sa isang motorsiklo ang biktima nang minamaneho ng isang Ibbun Daud nang sundan sila ng riding-in-tandem gunman at dito na binaril.
Nakatakas nag mga suspek matapos ang pamamaril kung saan hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa naturang pamamaril sa biktima.
Facebook Comments