Pamamaslang sa election officer kahapon, posibleng layon ding manggulo —Comelec

Hindi isinasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na layon lamang guluhin ang halalan kaya pinaslang ang election officer ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Kasunod iyan ng pagpatay kahapon kay Atty. Maceda Abo at asawa nito.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, posibleng may ibang motibo o grupong nasa likod ng pamamaslang.


Hindi raw siya makapaniwala na may gagawa ng karahasan sa panahon ng Ramadan lalo na’t mga Muslim ang biktima.

Kasunod nito, tiwala naman si Garcia sa kakayanan ng mga intelligence unit na nag-iimbestiga sa insidente.

Una nang sinabi ni Garcia na irerekomenda na nila sa En Banc na ilagay sa Comelec control ang naturang lugar para maiwasan nang maulit ang ganitong karahasan.

Facebook Comments