
Malawakang pinaiimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaslang kay Niruh Kyle Antatico, dating empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) sa Region 10.
Tinuturing na whistle blower si Antatico matapos magsalita ito sa social media patungkol sa umano’y mga korapsyon sa NIA.
Pinagbabaril ang nasabing biktima ng motorcycle riding-gunmen nitong Oktobre 10 sa bahagi ng Crossing Patag, Cagayan De Oro City.
Dahil dito, inutusan ni PNP Acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na magsagawa ng malawakang imbestigasyon ang Northern Mindanao Regional Office 10 sa nangyaring insidente pati na rin ang motibo sa nasabing pagpaslang.
Kaugnay nito, bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PRO 10 para dito.
Facebook Comments









