Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna, pinagpapaliwanag na ng CHED hinggil sa English-only policy nito

Pinagpapaliwanag ng Commission on Higher Education (CHED) ang Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna hinggil sa English only policy nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na kinausap na niya ang Presidente ng Pamantasan ng Cabuyao at hiningan ng pormal na paliwanag sa pangangailangan ng naturang polisiya.

Sa ilalim ng English only policy, Ingles ang gagamitin sa tuwing makikipagtransaksyon sa unibersidad, gayundin sa mga klase, at kahit sa normal na pakikipag-interaksyon.


Nakasaad sa kautusan na layon umano nito na mapaghusay ang academic excellence at ang global competitiveness ng mga mag-aaral doon.

Inatasan din ng CHED ang pamunuan ng pamantasan na maglabas ng press release sa media upang ipaliwanag at linawin ang naturang patakaran.

Facebook Comments