Sa muling pagpapailaw ng matitingkad na Christmas lights at iba pang dekorasyon sa paligid ng Cauayan City Hall nitong ika-3 ng Disyembre taong kasalukuyan, ay siyang hudyat na rin ng pormal na pag-uumpisa ng paghahanda ng naturang siyudad sa pagsapit ng pasko.
Kaugnay nito, sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Caesar Dy Jr., sinabi nito na kasalukuyan na ang kanilang pagpaplano para naman sa pamamahagi ng “Pamaskong Handog” para sa mga Cauayeño.
Layunin umano ng nasabing aktibidad na magbigay ng kaunting pamasko na maaari umanong magamit ng mga mamamayan ngayong darating na ika-25 ng Disyembre.
Nais rin umano ni Mayor Dy Jr., na maramdaman muli ng mga Cauayeño ang tunay na pasko sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo o tulong sa mga residente sa buong lungsod ng Cauayan.
Inaasahan rin na mayroong grupo ang maglilibot sa 65 barangay sa lungsod upang maghatid ng pamaskong handog sa bawat pamilyang Cauayeño.
Facebook Comments