MGA KABATAANG GUMAGAMIT NG MGA MAIINGAY NA BOGA, NASAMPOLAN

Kinumpiska at sinira ng kapitana ng Brgy. San Andres, Cabatuan, Isabela ang mga laruang boga ng mga kabataan, matapos makatanggap ng magkakasunod na reklamo mula sa mga residente.

Sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Kapitana Wilma Galapon, matagal na umano nitong sinasaway ang mga kabataan na gumagamit ng mga maiingay na boga ngunit hindi parin umano tumitigil ang mga ito.

Batid umano ni Kapitan Galapon na nakakaistorbo ang mga ito sa mga residente ng nasabing Barangay kung kaya’y pabalik balik umano ito sa mga lansangan upang sumuway ng mga kabataan.

Subalit, dahil sa paulit ulit at katigasan na rin ng ulo ng mga paslit, ay sa halip na ang mga bata, magulang na umano mismo ang kaniyang kakausapin.

Dagdag pa nito, karamihan umano sa mga inirereklamong bata ay hindi sinasaway ng kanilang magulang.

Binalaan rin ni Kapitana Galapon ang mga magulang na dapat disiplinahin ng mga ito ang kanilang mga anak at kung hindi parin umano titigil ang mga ito ay mga mgulang na ang kaniyang papatawan ng parusa.

Facebook Comments