Layunin ng programa na maramdaman ng bawat pamilya ang diwa ng kapaskuhan na buo at may pag-asa.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Kagawad Joseph Cortez, batid niya ang hirap ng sitwasyon ng ilang pamilya kung kaya’t naisipan nito ang magsagawa ng ganitong uri ng aktibidad para sa mga pamilyang minsang nangarap na buo at ngayon ay nabigyan ng katuparan.
Sa pamamagitan nito, nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga pamilyang napili na magsama-sama sa isang hapag kainan at mababakas sa kanilang mukha ang labis na tuwa na minsang pinangarap ng ilang indibidwal.
Ayon pa kay Cortez, hindi sukatan ang estado sa buhay ng isang pamilya basta’t naipaparamdam ang tunay na halaga ng kapaskuhan.
Patuloy aniya silang magsasagawa ng mga programang higit na magbebenepisyo ang maraming pamilya lalo na ngayong may pandemya.