Guimba, Nueva Ecija- Umaksyon na ang kapulisan sa mga naganap na pambabato ng mga bus na mula dito sa Cagayan at Isabela kamakailan sa national highway ng Giumba Nueva Ecija.
Ayon kay Police Superintendent Jerald Dayag Licyayo, hepe ng PNP Guimba na nakipagkoordinasyon na umano siya sa mga barangay kapitan ng Bunol at Maluranoc upang makipagtulungan sa pag-imbestiga sa mga gumagawa ng pambabato sa lugar.
Ipinaliwanag pa ni Superintendent Licyayo na nagkataon lamang umano na dalawang pulis ang nadatnan ng mga biktima ng pambabato sa kanilang himpilan dahil sa nakakalat ang kanyang mga tauhan sa ibat ibang lugar sa Guimba dahil sa isinasagawang checkpoint at pag-iikot kaugnay sa nakalipas na eleksyon.
Sa ngayon umano ay patuloy na sinusubaybayan at minumonitor ng kapulisan ang mga lugar na may reklamo ng pambabato sa mga bus at mga pribadong sasakyan sa Guimba Nueva Eciya.
Matatandaan na isa sa pasahero ng Dalin Liner si Dr. Juanito Rosini, Vice President for External Affairs ng Isabela State University System, kung saan ay binato ang limang bus sa lugar noong madaling araw ng May 10,2018.