Pambato ng Iloilo City na si Rabiya Mateo, kinoronahang Miss Universe Philippines 2020

113

Kinoronahan bilang bagong Miss Universe Philippines 2020 ang pambato ng Iloilo City na si Rabiya Mateo.

Suot ang kanyang exquisite red long gown, nangibabaw ang ganda at talino ni Rabiya sa 47 pang mga kandidata sa ginanap na coronation day sa Baguio City.


Bago ito, nasungkit din ni Rabiya ang best in swimsuit award sa preliminaries ng pageant.

Tatangkain ng 23-year old Ilongga beauty na masungkit ang pang-limang Miss Universe crown ng Pilipinas.

Samantala, itinanghal naman bilang first runner-up si Miss Parañaque Maria Ysabella Ysmael; second runner-up si Miss Quezon City Michele Gumabao; third runner-up si Miss Bohol Pauline Amelinckx at fourth runner-up ang pambato ng Cavite na si Kimberly Hakenson.

Facebook Comments