Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Vernel Jalando-on, isang karangalan ang mapabilang sa international competition at ang makapag-uwi ng titulo para sa bansa.
Ayon sa kanya, bata pa lang ay hilig na niyang sumali sa mga kompetisyon na pagrampa upang mas maipamalas nito ang kanyang talento.
Si Jalando-on ay naging finalist ng Hari ng Pilipinas 2021 at kasalukuyang nagsasanay sa Kakisigan at Kagandahang Flores Camp, isang kilalang pageant camp sa bansa.
Isa lamang ang pambato ng Santiago City mula sa mahigit 40 kalahok sa nasabing kompetisyon.
Sa kasalukuyan, masayang nagtatrabaho bilang isang Club Disc jockey sa Manila si Jalando-on.
Kaugnay nito,humihingi ito ng suporta sa publiko para sa pinansyal na aspeto para sa nasabing international pageant.