Pambato ni Trump sa puwesto sa U.S. Supreme Court, nakakuha ng panibagong boto

Nakahanap ng panibagong suporta si US Supreme Court Nominee Brett Kavanaugh sa katauhan nina Republican party Senator Susan Collins at Democrat Senator Joe Manchin, para sa pwesto sa US Supreme Court, ito ay sa kabila ng akusyasyon sexual misconduct laban sa kaniya.

Sa naging talumpati ni Senator Collins, sinabi nito na hindi dapat maging hadlang ang reklamo kay Kavanaugh para manilbihan sa Korte Suprema. Dapat aniyang pairalin ang presumption of innocence at pagiging patas.

Ayon naman kay Senator Manchins, kuwalipikado si Kavanaugh sa posisyon at tiyak nitong susundin niya ang konstistusyon, at magde-desisyon ng mga kaso, base sa mga legal findings na kanilang malilikom.


Nasa 51 na boto mula sa mga senador ang pumabor kay Kavanaugh para sa kaniyang kumpirmasyon habang 49 ang kumontra.

Matatandaang isang babaeng propesor ang nagreklamo ng sexual assault kay Kavanaugh, habang dalawang iba pa ang nagreklamo naman ng sexual misconduct noong 1980, na una na rin niyang pinabulaanan.

Facebook Comments