Pansamantalang isasara ang Pamilihang Bayan ng Rosales sa Linggo, Enero 18, 2026, simula alas-sais ng umaga, upang bigyang-daan ang isasagawang market clean-up drive alinsunod sa kautusan ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa abiso, layunin ng pansamantalang pagsasara na maisagawa ang masinsinang paglilinis at pag-aayos ng palengke upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng lugar.
Habang sarado ang pamilihan, pinayagan ang mga vendor na magtinda sa Rosales Trading Post sa Barangay Tomana West bilang alternatibong lugar ng pagbebentahan sa araw ng clean-up drive.
Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng pamilihang bayan matapos makumpleto ang nakatakdang aktibidad.
Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko at mga mamimili na magplano ng kanilang pamimili at sundin ang mga abisong ilalabas ng pamahalaan.










