Pamilya at kamag-anak, dudang si Reynaldo “Kulot” de Guzman ang kanilang pinaglalamayan

Manila, Philippines – Nagdadalawang isip ang panganay na anak ng pamilya Gabriel kung kapatid nga ba niya ang pinaglalamayan sa Cainta Rizal.

Matatandaang nagulantang ang lahat matapos i-anunsyo ng Philippine National Police na hindi si Reynaldo “Kulot” de Guzman ang natagpuan sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija.

Ayon kay Royette, sa una pa lamang ay duda na siya na hindi nga niya kapatid ang narekober na bangkay.


Kahit na kamukha aniya ay malaki ang nabago sa pisikal na itsura ni Kulot.

Bukod aniya sa nag-iba ang hugis ng mukha ay mas matangkad ang kapatid kumpara sa nasa loob ngayon ng kabaong.

Maging ang mga tambay at mga kapitbahay ay duda rin na si Kulot ang nakaburol ngayon.

Facebook Comments