Pamilya Mangudadatu bumisita sa balwarte ng mga Ampatuan sa Maguindanao

Sa pambihirang pagkakataon muling tumuntong sa balwarte ng mga Ampatuan sa Shariif Aguak Maguindanao ang pamilya Mangudadatu sa pangunguna mismo ni Governor Esmael Mangudadatu.
Kasama ng gobernador ang kanyang mga kapatid na sina Congressman Dong, Assemblyman Toy, LMP President Mayor Ogie, Former Buluan Mayor Jong at Board Member King Jazzer.
Ang pagtungo ng mga Mangudadatu sa Shariff Aguak ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 55th Founding Anniversary ng bayan.
Kaugnay nito, binigyang linaw ni Maguindanao Governor Toto na hindi lahat ng AMPATUAN ay masasama , mayroon ding mabubuti at magagaling.
Kasalukuyang alkalde ng Shariff Aguak town si Engr Marop Ampatuan habang bise mayor nito ang kanyang ama na si Akmad Ampatuan. Bisita rin ng okasyon si Rajah Buayan Mayor Zamzamin Ampatuan at ilan pang myembro ng pamilya Ampatuan.
Ang Magudadatu at Ampatuan ay magkalapit lamang ng magkakamag-anak sa Maguindanao ngunit bahagyang nagkalayo matapos ang malagim na November 23 2009 incident.
CCTO PIC

Facebook Comments