Manila, Philippines – Sasampahan ng kaso ng pamilya ng hazing victim na si Horacio Castillo III ang UST dean ng Civil Law na si Nilo Divina.
Ayon kay Atty. Lorna Capunan, abugado ng pamilya Horacio, ang grounds nila sa pagsasampa ng kaso ay ang pagdinig sa Senado kung saan tila may nangyaring cover up sa kaso ni Atio.
Sa susunod na pagdinig, magsusumite aniya sila ng transcript ng senate hearing sa October 9.
Sa Preliminary Investigation na isinagawa ng Department of Justice sa kaso ng pagkamatay ng UST law student, 14 sa mga respondents ang nagpadala ng mga abugado.
Ito ay sina Ralph Trangia, ama nitong si Antonio at inang si Rosemarie Trangia; Arvin Balag; Mhin Wei Chan; Ranie Rafael Santiago; Karl Mathew Villanueva; Joshua Joriel Macabali; Axel Munro Hipe; Marc Anthony Ventura; Aeron Salientes; Marcelino Bagtang; Zimon Padro; at Jason Adolfo Robiños.