Person of interest sa Las Vegas shooting incident na si Marilou Danley – sinundo ng FBI

California – Hawak na ng Federal Bureau of Investigation si Marilou Danley, ang Filipina-Australian na sinasabing karelasyon ni Las Vegas mass shooting suspect Stephen Paddock.

Si Danley ay umalis kagabi sa Pilipinas sakay ng Philippine Airlines Flight PR102 at dumating kaninang hapon, oras sa Pilipinas, sa Los Angeles International Airport sa California.

Pagbaba ng eroplano, isinakay ang animnapu’t dalawang taong gulang na Pinay sa wheel chair at agad na iniskortan ng mga FBI agent.


Naniniwala ang FBI na makakatulong si Danley sa imbestigasyon sa mass shooting kung saan limampu’t siyam ang namatay at ikinasugat ng mahigit limang daan iba pa.

Nitong nakalipas na araw, kinonsidera muli ng Las Vegas Metropolitan Police Department bilang “person of interest” si Danley matapos matuklasan na nagkaroon ng pag-transfer ng pera si Paddock patungo sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng $100,000 o higit limang milyon piso.

Hindi pa naman malinaw kung ang malaking halaga ng pera ay para kay Danley.

Facebook Comments