Patrol Car tumaob dahil sa Baka

Maswerteng nakaligtas ang anim na elemento ng Parang MPS matapos madisgrasya ang kanilang sinasakyang Patrol Car sa bahagi ng Brgy. Tambu Sultan Mastura Maguindanao pasado alas 9 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXMY kay SM MPS COP SIns Noel Dela Cruz, convoy ang Patrol Car sa mga empleyado ng DSWD ARMM, habang binabaybay ang national highway, nagtangkang mag overtake ang patrol car sa isang vehicle at tyempo namang may tumawid na baka sa klasada. Pilit pa sanang iniwasan ng driver ito ngunit dirediretsong tumaob ang sasakyan ng mga pulis.

Sa kabila ng aksidente, gasgas at sugat lamang ang natamo ng mga ito, dagdag ni SINS dela Cruz. Kaugnay nito nanawagan ang kapulisan sa lahat ng mga nagmamay ari ng farm animals na maging responsable upang di na makaaksidente sa lansangan.
PO1 Giagune Pic


Facebook Comments