Pamilya ng pinaslang na Mayor sa Bien Unido, Bohol – kukunan ng DNA test sa kanilanmg kaso

Bohol, Philippines – Iniutos ngayon ng Police Regional Office -7 na kunan ng “swab sample” ang pamilya ng pinaslang na mayor ng Bien Unido sa lalawigan ng Bohol para sa pagpapatibay ng kaso laban sa asawa nito na siyang suspek sa pagkidnap at pagpatay sa alkalde.

Ang makukuhang samles mula sa laway ng mga kaanak ni Mayor Boniel ang gagamitin sa isasagawang DNA test sa ilang bahid ng dugo na nakuha mula sa pumpboat na siyang ginamit nang patayin ang biktima at itapon sa karagatan ang katawan nito.

Naniniwala si PRO-7 director Noli Taliño na ang bahid ng dugo na nakuha mula sa pumpboat ay kay Mayor Boniel at siyang ikokompara sa swab sample na makukuha mula sa kaanak ng biktima.


Patuloy na pinaghahanap ng mga technical divers ang katawan ni Boniel na itinapon sa karagatan sa isla ng Mactan sa Cebu.
DZXL558

Facebook Comments