Ikinatuwa ng pamilya ng pinaslang na Pinay domestic worker na si Jeanelyn Villavende ang hatol na bitay ng korte sa amo nito sa Kuwait.
Gayunman, dismayado pa rin sila dahil hindi kasamang hinatulan ng death penalty ang amo niyang lalaki.
Sa halip, apat na taong pagkakakulong ang iginawad na parusa sa among lalaki ni Villavende dahil sa pagtatakip nito sa ginawang krimen ng kanyang asawa.
Samantala, naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na patas ang naging hatol ng korte ng Kuwaiti government.
Inaasahan namang iaapela ng mga akusado ang hatol.
Matatandaang Disyembre 2019 nang masawi si Villavende dahil sa matinding bugbog at pamomolestiyang sinapit niya sa kanyang mga amo.
Facebook Comments