Pamilya ng Pinatay na Pulis, Humihingi ng Kapatawaran sa Nagawang Kasalanan ng Kanilang Kaanak

*Cauayan City, Isabela*- Bakas pa rin ang lungkot sa pamilya ng pinatay na pulis sa Lungsod ng Cauayan matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang kapatid makaraang masangkot sa isang robbery hold-up kasama ang dalawang iba pa sa isang gasolinahan sa Reina Mercedes, Isabela.

Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na si Ginang Cora, tikom ang bibig ng kanyang kapatid sa nagawang kamalian hanggang sa mabalitaan nalang nila ito na nakakulong sa himpilan ng pulisya dahil sa kinasangkutang insidente.

Kwento pa nito, nakiusap ang kapatid na pulis na piyansahan siya na agad namang tinugunan at nag-ambag ambag ang pamilya para makalabas ito sa kulungan hanggang sa mangyari na ang insidente ng pamamaril.


Humihingi ngayon ng kapatawaran ang pamilya ng nasawing biktima sa mga nagawan ng kasalanan ng kanilang kapatid lalo na sa kinasangkutan nitong panghohold-up.

Panawagan din nito sa publiko na iwasan ang panghuhusga sa nagawang kasalanan ng kanyang kapatid lalo na ang posibleng maranasan na pambabatikos sa kapamilya ng biktima maging sa kanyang anak.

Naulila ni PLT. Oliver Tolentino ang isang 12-anyos na anak at 7 months old.

Bukas, nakatakdang ilibing ang labi ng kanilang kaanak kung kaya’t palaisipan pa rin ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments