Pamilya Raspado, Nagbunyi sa Nakamit na Hustisya ng Yumaong Dating Bise Mayor ng Jones, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Nagbubunyi ngayon ang pamilya Raspado sa naging hatol ng korte sa mga suspek na pumaslang sa dating bise mayor ng Jones, Isabela na si Florante Raspado.

Ito ang sinabi ni konsehal Jay-ar Vallejo, ang tagapagsalita ng pamilya Raspado sa naging ugnayan ng DWKD RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga, April 21, 2018.

Aniya, Nasa sementeryo na ngayon ang pamilya Raspado upang magtirik ng kandila sa puntod ng yumaong dating bise mayor upang ipagbunyi ang nakamit na hustisya nito kahapon.


Maging ang suporta ng kanyang mga kababayan ay bumuhos rin bilang pagbabalik tanaw sa kanyang mahusay na lidirato sa loob ng dalawampu’t isang taon niyang paninilbihan sa bayan Jones at maging ang ibang opisyal ng karatig lalawigan ay nakipagbunyi rin.

Samantala, Ito umano ang pinaka unang nangyari sa kasaysayan ng Pilinas na may pinaslang na opisyal sa loob ng session hall kung saan hindi umano nila ito maalis sa kanilang isipan sa tuwing sila ay nagkakaroon ng sesyon.

Dahil dito ay mayroon na umano silang ipinapanukalang ibang gusali upang doon na umano nila isasagawa ang kanilang sesyon.

Dagdag pa niya, sa bawat session na isinasagawa ng bayan ng Jones ay mayroon na umano silang nakabantay na mga security personnel upang mabantayan ang kaligtasan ng bawat opisyal.

Facebook Comments