Pamilyang Dacera, humihiling na sibakin agad ang medico-legal officer na sumuri sa bangkay ng kanilang anak na namatay sa isang hotel sa Makati City

Humihiling ang pamilya ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera sa agarang pagsibak sa medico-legal officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay ng dalaga.

Magsasampa ng reklamong administratibo ang ama at ina ni Christine na sina Jose Nestor at Sharon Dacera laban kay P/Maj. Michael Nick Sarmiento dahil sa ilang kamalian nitong nagawa.

Anila, hindi maganda ang ginawa niya na umano’y kapabayaan at kakulangan sa irregular at inaccurate preparation at submisssion ng medico-legal report at death certificate ng kanilang anak.


Base sa ulat, inilagay ang katawan ni Christine sa isang refrigerator facility sa ospital bago dalhin sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City.

Samantala, kinumpirma naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. na naembalsamo na si Christine Dacera bago pa isagawa ang inisyal na awtopsiya.

Facebook Comments