Cauayan City, Isabela- Napatayuan na ng matutuluyang bahay ang ilang pamilya na nasiraan ng bahay makaraang bayuhin ng malawakang pagbaha sa nagdaang kalamidad sa lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, anim na pamilya ang nabigyan na ng lokal na pamahalaan ng pabahay matapos anurin ng tubig baha ang kanilang tirahan sa kasagsagan ng pagbaha sa nakaraang kalamidad.
Inatasan naman ng alkalde ang mga kapitan ng barangay na panatilihin ang hindi pagpayag na patayuan ng istraktura ang mga bahaing lugar sa kani-kanilang barangay.
Dagdag pa ng opisyal, mayroon na rin silang resettlement area sa TANAP region na di hamak na mas malapit sa naunang area sa forest region.
Nagpaimbentaryo na rin ang LGU sa bahagi ng San fermin kung mayroong pwedeng matayuan ng bahay para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay.