Manila, Philippines – Nangako si Health Secretary Paulyn Ubial na hindi na nito ipipilit ang kontrobersyal na pamimigay ng condom sa mga estudyante.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, hindi malayong manganib ang appointment ni Ubial sa Commission on Appointments kung patuloy nitong isusulong ang paglalaan ng pondo sa mga ipamamahaging condom.
Aniya, mas mainam na magturo ng responsableng pamumuhay kaysa maglaan ng malaking salapi mula sa kaban ng bayan para lamang sa contraceptives.
Paniwala ng Senador, kailangang resolbahin ang ugat ng problema kung bakit maraming kabataan ang nasasadlak sa maagang pagbubuntis at pagkakasakit.
Para kay Sotto, hindi solusyon sa problema ang pagbili at pamamahagi ng condom, kundi magbubunga pa ito ng mas malalang suliranin.
DZXL558