Pamimigay ng Relief Goods sa Cagayan, Patuloy!

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang pamimigay ng mga relief goods ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga pamilya na apektado ng pagbaha at landslide.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nagtutulong-tulong pa rin ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga pribado at mga opisyal sa pagbibigay ng mga reliefs goods sa mga lugar na tinamaan ng pagbaha dala ng magkakasunod na bagyo.

Kaugnay nito, suspendido pa rin ang klase sa kinder garten at pre-school sa Cagayan habang nagkansela na rin ng pasok ang ilang mga apektadong bayan.


Dagdag pa ni Gov Mamba na may mga lugar pa rin ang lubog sa baha habang may mga tulay ang hindi pa madaanan.

Gayunman ay patuloy ang kanilang monitoring lalo na sa mga highrisk sa pagbaha at tinitignan na ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan kung ano ang pwedeng maibibigay na tulong lalo na sa mga magsasaka na nasiraan ng mga pananim.

Facebook Comments