Pamimili ng mga Taekwondo Players ng Cauayan City para sa CAVRAA 2019, Sinimulan Na!

*Cauayan City, Isabela- *Sinimulan na ng Lungsod ng Cauayan ang pamimili para sa mga manlalaro ng Taekwondo bilang paghahanda sa Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2019.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, ay nasa mahigit apatnapung mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan ng elementary at secondary level ng Lungsod ng Cauayan ang lumahok sa screening na ginaganap sa Turayong Elementary School.

Ayon kay City Sports Officer Jonathan Medrano, ay pipili umano sila ng labingdalawang taekwondo players para sparing habang sampu naman ang kukunin para sa Poomsea sa Secondary level.


Ang mga mapipiling Taekwondo Players naman ay ilalaban para CAVRAA 2019 kaya’t hinikayat ngayon ni Medrano ang lahat ng mga kabataaan na lumahok sa kanilang screening upang maging kaisa sa pagpapakita ng galing at talento ng mga Cauayeño.

Samantala, isa rin umano sa tinututukan ngayon ng Cauayan City Sports Office ay ang training ng mga manlalaro ng Chess kaya’t hinamon rin ni Medrano ang mga mapipiling manlalaro at mga co-teachers na magtulungan upang makakuha ng mas maraming medalya.


Facebook Comments