Karpentero na Nanaga ng Isang Agta, Arestado sa Cagayan!

11

*CAGAYAN-* Bagsak sa kulungan ang isang karpentero makaraang managa ng isang agta sa Brgy. Centro 02, Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang karpenterong supek na si Rogelito Duque Pascua, singkwentay dos anyos habang ang biktima naman ay kinilalang si Flaridel Agudayan, bente otso anyos, binata, isang laborer at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakikipag-inuman umano ang suspek sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang biktima at hinamon ang suspek subalit binalewala lang siya ni Duque.

Habang patuloy pa rin sa panghahamon ang biktima ay kumuha ng itak ang suspek at itinaga sa batok at siko ni Agudayan.

Dinala naman agad sa pagamutan ang biktima habang inaresto naman ng mga rumespondeng pulis si Duque at dinala sa PNP Sanchez Mira para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments