Pamumuno sa PDEA, pormal nang naisalin kay Aaron Aquino

Manila, Philippines – Pormal nang naisalin kay Chief Superintendent Aaron Aquino ang pamumuno sa Philippine Drug Enforcement Ageny o PDEA.

Sa turn over ceremony, inilipat na ni outgoing PDEA Director at ngayon ay Customs Commissioner General Isidro Lapeña kay Aquino ang kapangyarihan para pangasiwaan ang ahensya.

Iniulat ni Lapena na sa kanyang pamumuno, nakapagbigay ng reward sa mga informant sa illegal drug operations, pagsasgawa ng barangay clearing operations, at pagpapaigting ng relasyon sa mga foreign counterparts sa papamagitan ng mga Memorandum of Agreements.


Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Aquino na target niya ngayon na mas mapaigting pa ng pamahalaan ang kampanya nito kontra iligal na droga.

Nais ni Aquino na sa darating na panahon, ang PDEA na ang mag-ooperate sa mga drug operations at hindi na mga pulis.
Ito ay para matututukan ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang mga krimen gaya ng theft and robbery, carnapping at iba pa.

Aminado rin siya na mahirap para sa ahensiya na pangunahan ang anti-narcotics campaign dahil ang manpower ngayon ng PDEA ay nasa 2,000 labang kumpara sa PNP na nasa 120,000 personnel.

Pagtiyak nito na kapag lumaki ang kanilang pwersa masa madali nilang magampanan ang kanilang trabaho.

Facebook Comments