Valenzuela City, tiniyak na nakastand by 24/7 ang kanilang rescue team

Valenzuela City – Kasabay ng mga nararanasang sama ng panahon sa bansa, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na handa ang kanilang disaster response team sakaling kailanganin ng pagkakataon.

Ayon kay Jomel Gonzaga, PIO ng Valenzuela City, 24/7 na nakaantabay ang kanilang mga rescue team lalo’t bahain ang kanilang lugar.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 45 plastic boats ang nagagamit ng lungsod para sa mga response efforts, at mayroon din silang mga volunteers na nakaantabay.


Dagdag pa ni Gonzaga, mayroon silang mga trucks na nagbibigay ng libreng sakay tuwing bumabaha ang mga kalsada sa lungsod.

Facebook Comments