28july2017Metro Naga – Ipinahayag kaninang umaga ni Atty. Aries Macaraig, myembro ng grupong tahasang sumasalungat sa patuloy na pagputol ng mga puno sa tabi ng high-way sa loob ng Naga City, na walang ibinighay na tamang permiso ang DENR para putulin ang mga punongkahoy. Ito ay sa harap ng halos papaubos ng mga matatandang punongkahoy sa kahabaan ng Magsaysay Avenue.
Ilang grupo sa Naga City ang patuloy sa kanilang adbokasiya na salungatin ang nasabing gawain lalo na at papasimulan na naman ang pamumutol ng punongkahoy sa tabi ng daan sa Barangtay San Felipe, Naga City.
Ang pamumutol ng punongkahoy ay pinapangunahan ng Department of Public Works and High Ways (DPWH) makaraang makakuha ng permiso mula sa DENR.
Ang mga punongkahoy na pinuputol ay yong mga nakapaloob sa road widening projects sa nasabing mga major streets ng Naga. Ang road widening projects ay inaasahang aabot din hanggang doon sa upper barangays ng Naga simula sa San Felipe, Pacol hanggang Carolina.
Ayon naman sa pahayag ni City Councilor Buddy del Castillo, Chairperson ng Committee on Environment, hinahanapan ng alternatibong paraan upang ma-address ang isyu ng mga sumasalungat sa pamumutol ng kahoy. Binigyang diin naman ni Macaraig na walang ibang alternatibong paraan ang pwedeng pag-usapan maliban sa pagpapatigil ng pamumutol ng mga nasabing punongkahoy sa kahabaan ng mga kalsadang sakop ng road widening project.
Nakahanda rin ang grupong mag-invoke ng writ of kalikasan sa korte kung sakaling patuloy na magmamatigas ang pamunuan ng lungsod at ng DPWH sa walang habas na pamumutol ng kahoy sa gilid ng mga nabanggit na kalsada.
–edventura-dwnx1611bareta sa pagkaudto.