*Cauayan City, Isabela-* Muli nanamang nanghihikayat ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa mga nais maging sundalo.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sgt. Meera Corpuz ng 502nd Infantry Brigade kung saan nasa halos 500 kota ngayon ang kinakailangan ng 5th ID.
Aniya, dalhin lamang ang mga kinakailangang requirements sa pamunuan ng 5th ID sa Upi, Gamu, Isabela gaya ng birth certificate, Transcript of Record (TOR) at diploma para sa mga College graduate o Vocational graduate at Form 137 naman kung high school graduate.
Kinakailangan rin na dapat ang aplikante ay walang asawa at anak, natural born filipino citizen, may taas na 5 feet, walang kaso at physically and mentally fit.
Sa mga interesado at may katanungan ay magtungo lamang umano sa kanilang pamunuan para sa karagdagang impormasyon.
Samantala, nagtapos naman noong Nov. 18, 2018 ang nasa 251 na bagong sundalo sa 5th Division Training School at inaasahang maitalaga sa Mindanao upang tumulong sa pagtugis sa mga rebelde.