Pamunuan ng mall, iniimbistigahan na kung may kapabayaan sa nangyaring sunog kagabi sa Quezon City

Manila, Philippines – Nabulabog ang mga costumer ng mall matapos magkasunog sa ika-apat na palapag ng SM North Edsa kagabi.

Hanggang sa ngayon hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy, na nagsimula sa imbakan ng mga laruan pasado alas-otso kagabi.

Bagamat walang nasaktan, iniimbistigahan na ng Q.C fire department ang pamunuan ng mall kung may pagkukulang ba ito


Sa initial na imbistigayon sinabi ni F. Ins Rodelio Bernabe ng Agham Sub Fire Station, mataas ang kesame ng warehouse kaya hindi agad gumana ang sprinkler.

Agad itanaas sa ikatlong alarma ang sunog para hindi na kumalat ang apoy sa ibang istablishemento lalo’t mga light materials tulad ng mga laruan ang tinutupok.

Ganap na naapula ang sunog 10:37 ng gabi kung saan naabo ang nasa 50k pisong halaga na mga gamit.

Facebook Comments