Pamunuan ng NFA, nagpalabas ng panuntunan upang matiyak ng publiko na tunay na bigas ang kanilang binibili

Manila, Philippines – Nagpalabas ng panuntunan ang pamunuan ng National Food Authority upang matiyak ng publiko na ang kanilang binibiling bigas ay tunay at hindi ang kumakalat na fake rice.

Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Aquino dapat seguraduhin ng mga consumers o mamimili na kinakailangan sa mga retailers na accredited ng NFA o kayay sa kanilang mga suki sila bibili ng bigas kaysa mga vendor na hindi nila kilala.

Paliwanag ni Aquino madaling malalaman ang tunay na bigas dahil mayroon itong paumbok na bahagi ang butil at parang may kanal na nakaukit, magkakaiba ang hugis ng mga butil, patagilid na patusok ang hugis ng kabilang dulo nito at wala itong kakaibang amoy kapag niluto at pang huli wala itong foam like substance sa ibabaw ng lutong kanin.


Maliban sa hugis ng butil dapat malaman din ng mamimili ang amoy ay katulad ng plastic o kayay synthetic materials, dapat isailalim agad sa Laboratory Analysis masuri kung talagang tunay na bigas ang kanilang nabili.

Facebook Comments