Pamunuan ng San Juan City Govt., magbibigay ng body cameras sa PNP Bike Patrollers

Pasisinayaan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang PNP-San Juan Bike Patrollers kung saan mahigpit na ipatutupad ang city’s ordinances on new normal, face shield, and anti-spitting, alas-9:00 bukas ng umaga sa Ortigas Avenue.

Ang mga Bike Patrollers ay lalagyan ng bagong body cameras para wala nang ikakatwiran ang mga mahuhuling lumabag sa batas at matiyak na naipatutupad ang ordinansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Matatandaan na nagpasa ng isang ordinansa ang City Council na inaprubahan ng alkalde laban sa mga dumudura sa pampublikong lugar, hindi pagsusuot ng face masks at face shields, at iba pang precautionary measures laban sa pagkalat ng COVID-19.


Sinabi rin ng alkalde na magbibisikleta siya kasama ang mga Bike Patrollers patungong Greenhills Mall upang ilagay ang signages tungkol sa anti-spitting, hindi pagsusuot ng face masks at face shields, isang ordinansa na mayroong kaakibat na multa.

Facebook Comments