‘Pan de shabu’: Tinapay na may palamang droga, ibibigay sana sa preso

Courtesy Tony Sandoval

LUCENA, QUEZON – Sa kulungan ang bagsak ng isang babae matapos subukang magpuslit ng shabu na ipinalaman sa pan de coco nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang inarestong babae na si Irene Lat, 40, residente ng Barangay Malabanban Norte, sa bayan ng Candelaria.

Base sa imbestigasyon, binisita daw ng suspek ang isang preso at ibibigay sana ang tinapay na may palamang iligal na droga.


Bistado ang modus ng babae nang magsagawa ng food inspection ang isa sa mga jail warden pasado alas-7:30 ng gabi.

May bigat na 1.66 gramo ang nakumpiskang shabu at nagkakahalagang P9,213.

Giit ng suspek, ipinadala lamang sa kaniya ang “pan de droga” pero tumangging pangalanan ang nag-utos nito.

Patuloy pa ring inaalam ng awtoridad kung saan kinuha ang iligal na droga.

Facebook Comments