Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na may epekto ang nangyaring pananambang at pagpatay ng New People’s Army sa 4 na pulis sa bansalan Davao Del Sur.
Ito naman ay matapos ang napabalitang nagkakaroon ng back channeling efforts ng gobyerno para mapanumbalik ang usapang pangakapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi niya tiyak kung ano ang eksaktong epekto nito pero mayroong impluwensiya ang nangyaring pananambang ng NPA sa PNP.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na manunumbalik lamang ang Peace Talks kung matititgil na ang extortion activities, ambush at iba pang iligal na gawain ng rebeldeng grupo.
Kaaalis lamang ni Pangulong Duterte sa Bansalan matapos bisitahin ang burol ng mga napatay na miyembro ng PNP.