Tanging si Senator Francis Kiko Pangilinan lamang ang bumoto kontra sa pagpasa ng Senado sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 dahil sa pananatili ni Secretary Francisco Duque sa Department of Health (DOH).
Paliwanag ni Pangilinan, 13 sa 26 na interventions o hakbang ng pamahalaan para tugunan ang COVID-19 pandemic ay nakaatang sa balikat ng DOH.
Diin ni Pangilinan, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang kabiguang makapagsagawa ng mass testing, contact tracing at korapsyon sa health sector partikular sa PhilHealth na patunay na palpak ang pamumuno ni Duque sa DOH at sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa tingin ni Pangilinan, sasablay lang din ang mga COVID-19 interventions na nakapaloob sa Bayanihan 2 kung si Duque pa rin ang mamumuno sa implementasyon nito.
“Unless Secretary Duque is fired or is forced to step down as Chairperson of the IATF, the country will only see more incompetence and more corruption issues hounding the government’s efforts in addressing the pandemic. It must be underscored that a review of the provisions of Bayanihan 2 that we have just approved on third reading will show that of the first 26 interventions listed by the law in Section 3 as necessary to effectively combat the pandemic, 13 or half of these needed interventions, are placed on the shoulders of the DOH”. – Senator Francis Kiko Pangilinan.