Panawagan na i-overhaul ang K to 12 Program, hindi pa nakikita ng DepEd

282

Hindi pa nakikita ng Department of Education (DepEd) na i-overhaul ang K to 12 Program sa bansa.

Kasunod na rin ito ng panawagan ni Sen. Sherwin Gatchalian na i-overhaul ang K to 12 Program upang matugunan ang ilang problema hinggil dito katulad na lamang ng skills mismatch sa mga senior high school graduates.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na nagpapatuloy pa rin kasi ang isinasagawa nilang comprehensive review sa K to 12 Program partikular sa Grade 11 at Grade 12 katuwang ang TESDA.


Nabatid na binigyan ang DepEd ni Pangulong Bongbong Marcos ng isang taon para i-review ang K to 12 Program pero sinabi ni Poa na target nila itong matapos bago ang itinakdang deadline.

Facebook Comments