Cauayan City, Isabela – Nanawagan si Cagayan Governor Manuel Mamba na sa darating na Barangay at SK Election ay huwag iboto ang mga bumibili ng boto.
Aniya kasama ang religious group, acadeem, non-government organizations o ngo’s at provincial government sa adbokasiya na maayos at malinis na eleksyon kung saan umiikot ang kanilang grupo upang ipaalam sa taong bayan ang kanilang panawagan laban sa vote buying.
Naniniwala pa si Governor Mamba na ang dahilan ng korapsyon sa bansa ay ang masyadong magastos na eleksyon kung saan ang inaabuso umano ay ang vote buying.
Isa na rin umano na dahilan kung bakit may mga politiko na sangkot sa droga at illigan na gawain ay dahil sa sobrang mahal o magasto na eleksyon.
Samantala nalungkot umano si Mamba na naibalik ang SK eleksyon dahil sa maling training ground para sa mga kabataan ang maruming eleksyon. Ngunit nanawagan parin ang gobernador na tulungan na lamang ang mga kabataan sa malinis na halalan