
Tinuldukan ng Malacañang ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng kasalukuyang opisyal at magsagawa ng snap election.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “wishful thinking” lang ang ideyang ito at wala itong saysay sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Giit ni Castro, abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan, lalo na sa gitna ng pinsalang iniwan ng lindol at bagyo.
Wala aniyang oras ang pangulo para sa ganitong uri ng pamumulitika na isang pansariling interes lamang at hindi nakatutulong sa bayan.
Facebook Comments









