Thursday, November 26, 2026

Hindi nabayarang guarantee letters noong 2024 na nakapaloob sa 2027 budget, kinwestyon ng isang senador

Mariing kinwestyon ni Senator Ping Lacson sa deliberasyon ng budget sa plenaryo ang tungkol sa paglalaan ng pondo sa 2027 para bayaran ang mga naunang claim ng mga ospital at iba pang service providers kaugnay sa guarantee letters (GL).

Tinukoy ni Lacson ang Special Provision Number 2 sa House version ng 2027 General Appropriations Bill (GAB), na nag-aatas na gamitin ang pondo para bayaran ang mga naipong utang mula sa mga GL na inilabas noong 2024.

Umabot aniya sa ₱34.27 billion ang obligated allotment o pondong binayaran para sa mga guarantee letter noong 2024.

Kinukwestyon ng senador kung bakit maglalaan pa ng pondo para sa 2027 budget hinggil sa mga guarantee letters na inilabas noong 2024 gayong naobliga na ang buong alokasyon para sa AICS sa taong iyon.

Sinabi ni Lacson na mistulang nagisyu ng cheke ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang pondo at pagkatapos ay sisingil sa susunod.

Paliwanag naman dito ni budget sponsor Senator Risa Hontiveros may mga service provider na huling nagsumite ng money claims at mga kulang o naantalang dokumento.

Facebook Comments